Hey guys. I am taking a break from poetry. Special post dedicated to my high school class. Will periodically post tales.:) hahaha. It’s in filipino, my native tongue, because this post is very close to my heart
READ!
I think of it as something difficult to comprehend….and to sift my butt. I sit there all day, wondering whether the expanse of time would stop stretching out in front of me. Or at least, maubos man lamang ang mga assignment na nasa harap ko.
I scribble down notes, trying to comprehend, process and write. Look at the teacher with a fierce gaze, unable to find a place to see the importance of the lesson. Hindi ko naman kasi magagamit sa araw araw ito eh, kaso nga lang, ito at gingawa ko ang lahat mainindihan ito. Wala ka rin naman magagawa, kung ang mga taong nakapaligid say o, alam mo, na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya, whether they consciously know it or not.
Funny sometimes, they keep saying (and acting) that they really do not care. Alam mo yun…
Tulog yung gwapo, si Maliit, naghihikahos na magsulat. Ito naman sa kaliwa ko, kunwari’y non chalant lang, kung tignan mo naman ang output, gahalimaw na kagandahan. Higit na higit. .Tulog naman ang isa sa likod, kapag recitation naman, aariba ng bonggang bongga. At any moment in class, I am quite very much sure na may kumokopya o gumagawa ng assignment for the next periods. The teachers drone on. We pay attention, or sometimes fake it. There are hurried whispers. A stifled giggle or two. Sometimes about other kids. Sometimes about the teacher, desperate humor to break the stifling academic atmosphere.
Nakakatuwa nga naman, biruin mo na maling pagsasalita, bungisngis na agad ang aabutin sa loob ng klase. Simpleng pagbahing ng isa, papaligid na ang mga tawa. Depende nga lang sa titser. If they are uptight, syempre, itatago ang hagikhik. Pipiliting maiayos ang mga birong hindi dapat marinig ng mapanuring mga tenga.Lalo na kung mayroong imahe na dapat pangalagaan sa harap ng titser na ito. Hindi niya masusukat akalain na ito, ang grupo ng mga estudyanteng ito, ay maaring makagawa ng isang karumal dumal na kasalanan laban sa malinis na imahe . She might be shocked,and , our deportment matters too. So we keep a low profile decidedly. Kung alam naman naming na ang titser ay makakasabay sa aming napakamasayahing hindi maintindihan na humor, kami’y tiwalang tatawa. Alam naming pati siya ay tumatawa rin. Sometimes, the teacher itself becomes the joke.
The jokes, although fun, can become major trouble. Imagine having that gut churning feeling every time that person walks in. Almost everyone coated with deathly silence, cautious of the impending event. Questions will form in everyone’s heads, heart rates on the rise, and steady academic adrenaline.
Mag aral ka! Baka tanungin tayo bigla, lalong magalit kung hindi maayos ang ating gawa.
***** di ko talaga alam, kailangan nating ayusin ito.
The things that happen there during those times would never be described as something pleasant, it was quite, to put it this way: a still photo.
Yes, everything frozen to the status that it was from. Taken by the camera of memories, every sensation coloring the event. Almost unforgettable. Terrible sensations, whether you are guilty or not. Sad or scared or angry. It was still the same thing, something you don’t want to keep going back to. But you always will. Because it is a photo in your mind.
There are more happy times I have been witness to while sitting in my chair. Activities we have done, almost undeniably, the unrelinquished excellence in everything that we do. IP Projects, speech choirs, presentation, plays and requested little quims by teacher, often for something in exchange. Might we like it or not.
Section natin? Halos hindi na bitawan, ultimong props para sa isang contest, tayo papagawin,marami na tayong ginagawa niyan ah. Pero okay lang, basta perfect na ang quiz/project/recitation/monthly test. Nakakatuwa, kaso, kelan natin gagawin ito?
Alam kong lahat tayo ang magbebenefit sa grades sa paggawa natin nito..kaya tawagin mo na si (insert name here) para naman tumaas tayo ng kaunti sa (subject)
Minsan, mga kaguluhan naman ang nakikita ko. Ewan ko ba kung dapat lamang idetalye ang aking mga naririnig at nakikita. I am pretty sure, people will be pretty shell shocked to know what happens at a relatively everyday basis. Especially when the teachers are not around.
The names of the following people usually resound. They make the whole class laugh.
The first one wears the glasses. He is a little on the fat side, nevertheless, he thinks it will grom into something muscular. His resounding hoarse voice usually resounds with acceptable obscenities. He walks with the heroic gait, often emphasizing his man boobs (na lagi na lang pinipisil ng mg kabarkada niya). He can reasonably do things, green things with eerie normalcy in our name. Minsan, pag ako nakaupo, at tumapat siya sa aircon, may pag-asa kaya mag masculinate ang mga boobs niya? Masakit siguro ang palagiang pagpisil nito.
Isa sa mga taong mahilig magpisil ng boobs na ito ang susunod sa listahan. May…kalakihan din ng katawan, masayahin at lagging nakangisi. Madalas, ang naalala ko sa kanya ang tawa at tuwa na nasusulat sa mukha sa tuwing may biro o kaguluhan. Nagiging kulay kamatis ang mukha niya. Malutong rin ang halakhak nito kaya minsan, natatawa ako hindi sa biro, kundi sa reaksyon niya. Iniisip ko pa lamang, sadyang napapangiti na ako. Mahilig din siyang sumayaw, iniikot ang bewang at nagpopose na parang model. Sa kaniyang paggiling, ay sumasabay ang kumpas ng kamao na umiikot ikot ayon sa ritmo ng sayaw. Kahit hindi ganoon kalambot ay tuloy tuloy pa rin. Sigurado ako, pag nabasa niya ito, mamumula ng kamatis ang kanyang mga tenga.
Ang susunod naman ay medyo mas maliit ng kaunti sa kanyang mga kasama, medyo may kalakihan ang mata at ito ang sadyang nagbigay sa kanya ng pabirong palayaw na “kwago”. Nakakatawa isipin, ngunit iyon nga naman ang una mo na mapapansin sa kanya. Madalas ay gagawa ito ng biro at lagging tampulan ng tukso. Siya’y hindi gaano apektado dito, dahil madalas ay dinaraan niya lang sa ngiti. Kapag naghaharutan naman sila, ay madalas na iniilalalim ito ng mas malalaki niya na kasamahan.
Hindi mawawala sa listahan nito ang matalik na ang isa sa orihinal na miyembro ng barkada nila. Ito, sa akin opinion, ang pinakamatalinong magbiro. Siya rin ang palaging kumukutya sa kaibigan nating malaki ang hinaharap. Madalas niya itong tuksuhin sa mapakalawak na mga bagay. Madalas ay sa babaeng gusto nito o ang tunay nitong kasarian. Sa mga biro niya ako lubusang natatawa. Masarap kausap ito lalo na sa kaguluhan sa aming klase.
In my blue, left handed chair, I can always remember how they rough house each other. Everything they do brings me a batch of fresh smiles straight from the memory oven. There is another batch coming, but these are the best!